PeoplesProblems Logo

Assuming na ok na sister-in-law at daughter-in-law

Default profile image
..thankful ako kay baby kasi nung nagbuntis ako, nalaman kong yung mga taong inaasahan mung makakaintindi sayo, yun pa yung masakit magsalita pagtalikod mu.. maarte raw ako: konting sakit, dinadaing ko na.. buong buhay ko walang nagsabi sa kin na maarte ako (nang seryoso). pag may nararamdaman ako, hanggat kaya ko, di ko naman yun agad sinasabi sa iba: magulang, kapatid, kaibigan at asawa, unless matinding sakit na nararamdaman ko. 1st time ko magbuntis, di ako familiar sa kakaibang nararamdaman ko. di ko alam na yung pagsasabi ko pala sa asawa ko ng nararamdaman ko e kaartehan na. sabi sa kin ni erick, pag may di magandang nararamdaman, sabihin agad lalo na at buntis ako. so ayun, naging maarte na ko nun.. feeling mayaman daw ako: di ko alam kung bakit naging feeling mayaman ako na parang di raw sanay sa hirap. alam ng maraming tao sa paligid ko na nakasama ko nang matagal kung gaano ako nagpursigi sa buhay kaya nakakainis ang mga judgmental na tao. yung pagreresign ko sa trabho, di ko naman ginusto yun dahil ang totoo, gusto kong mgtrabaho ng makaipon kmi at ng mklipat agad. spoiled brat daw ako: kasi nakita lang minsan na sinisintasan ako ng asawa ko, spoiled na raw. di ba pedeng naglalambingan lang? isa o dalawang beses lang na ginawa sa kin ng asawa ko yun nung nagbuntis ako tapos spoiled brat na? ni hindi naman ako nagdedemand ng kung anu-ano sa asawa ko. kung magsalita sila.. gusto kong kalimutan yun, dahil kung hindi sa kanila, wala kaming matutuluyan ng asawa ko. marami silang naitulong sa min. ang masakit kasi, sa buong buhay ko, nun lang ako nasabihan na maarte, pasosyal at spoiled brat! sa mismong pamilya pa ng asawa ko. sa tuwing naalala ko yun, nalulungkot ako.. naiinis.. naluluha.. so ganun pala tingin nila sa kin?!? 🙄🙄🙄 porke bata ako sa asawa ko ng 8yrs, spoiled brat na.. wow.. daig pa nila ibang tao na mas nakasama nmin nang matagal kung manghusga sa kin.. masyado daw akong binebeybi ng asawa ko.. haha.. nakakatawa sila.. likas na mabait at maalaga asawa ko pero di naman ako nagpapabeybi sa kanya.. kahit anung kabaitan ipakita mu sa knila, may masasabi at masasabi talaga sila.. 🙄🙄🙄

Assuming na ok na sister-in-law at daughter-in-law

Default profile image
Alloy, Please re-submit your opening post in English. Thank-you.

This thread has expired - why not start your own?

B-3