PeoplesProblems Logo

Feelings

Default profile image
(Pilipino language) Tagalog Philippines Natatakot ako sa ama namin dito sa bahay, ipon ang galit ko sa kanya sa dami nyang ginawang hindi ko gusto at labag sakin, ngayon natatakot ako sa yon, tignan ko man yon alam kong lalo akong mahihirapan o mapapasama, kapag kalapit ko yun dito sa bahay naaasiwa ako o naiilang hindi ako mapakali sa taong yon, simula bata pa lang ako wala kong nararamdaman na suporta sa yon, hanggang ngayon. Ngayon nga ang tanging tumutulong sa akin o nagmamalasakit ay ang unang una ay kuya ko pangalawa ang nanay ko pangatlo ang tatlo kong pamangkin. Pito kaming magkakapatid may magulang pero nanay at panganay kong kuya lamang at hindi nakasakit at patuloy na nagmamahal sakin kahit na dipressed parin parin ako ngayon dahil sa pagpapaalis ng katinuan sakin ng mga kapatid na babae. For 5 years at sa kasulukuyan gusto nila akong mawalan ng katinuan sa pagdududa nila sa araw araw na ginawa ng dyos, 5 years at sa kasalukuyan ay depress parin ako hindi ko kaya lumabas dito sa lugar namin dahil sa kahihiyan na nangyari sakin, nakita nila ko nun depress halos gusto ko na mawala sa katinuan nun dahil hindi ko na kaya ang pinapakita pinaparamdam pinaparinig sakin ng mga 3 dimonyitang babaeng kapatid ko pa man din lalo na yun pinakapangit sa kanila yun ang pinakamasama. At nun depress ako ang tanging nagmamahal parin sakin at hindi ako pinapabayaan ay ang nanay ko ang kuya ko naman nun ay nasa abroad kaya nun 1 year and months na nakalipas at umuwi sya tsaka ko lang nasabi at pinakita ang mga ilang problema ko at hindi ko pa masabi ang tunay na problema kung bakit ako winawala sa sarili ng 3 babaeng yon dahil nahihiya ako, lumipas pa ang 2 taon bago ko nasabi kung bakit sila ganun at simula nga nun alam kong naintindihan ni kuya kung bakit ako nahihirapan at nadidipress pero sa ngayon hanggang sa ngayon kung ano sa simula ang pinakita nila sa kin pinaramdam pinarinig mas lalo pa ngayon ang sasakit pero may ilang buwan palang akong lumalaban na sa kanila, mawalan nako ng galang sa kanila kesa naman tuluyan nila akong mawala sa katinuaan, madalas sinasagot ko sila pag pinapakitahan pinaparamdaman na naman nila ako na masama, mas may tiwala pa nga sila sa ibang tao kesa sa kapatid nila ang sakit, hanggang sa ngayon walang pagbabago ang tingin nila saking masama pero lumalaban naman na ko ngayon sana patuloy parin akong lumaban hindi sana mawalan ng paghuhugutan ng lakas ng loob kung hindi mawawala ako sa katinuaan na gusto nilang mangyari, at ang pinagdududa nila na masama na syang insulto sakin at napakasakit dahil twitwina nalang ginagawa nila ay ang tuwing maliligo sila sa cr o sa banyo, para ba kong manyak na tignan ng masama at paringgan nila at paramdaman mula sa kanilang tatlo ang pagkabalisa nila pag bantay kung pupunta ko dun o kung ano man ang gagawin ko, alam ko nararamdaman ko ang mga pagdududa nila sakin, nalalaman ko yun dahil kung hindi nasa sala ako nanonood ng tv o may iba mang ginagawa dahil maliit lang ang bahay namin kaya rinig mo ang mga parinig nila ng masasakit o ano pa man, inaamin ko ginawa ko nga minsan yon hindi 1 beses hindi dalawa pero hindi ito lalampas ng 10 o 20 beses ang mga silip na iyon ay hindi malaswa o kita mo lahat, at sa sobra kong pagka depress sa mga pang psycho o paninirang isip ng 3 babaeng iyon nasabi ko itong dahilan kung bakit ginaganon nila mga 3 years kong hindi sinabi sa kuya ko dahil nahihiya ako o takot man, at nun nasabi ko na yon at sinabi o nasabi ko yun simula nun na nagmula sa mga gawain ng pinsan ko at nagaya ako, sabi ng kuya ko, nagawa ko lang daw yon "dahil bata pa ako" nang sinabi ng kuya ko yun sabi tama ang kuya ko hindi ko intensyon simula nun bata ako na manyakin ang mga kapatid ko at nagaya lang ako sa mga pininsan kong namboboso. nag simula yon paninilip ko nun 1 year high schill ako tama ang kuya ko hindi ko alam dahil bata pa ako nun hindi ko rin alam na masama yun, pero hanggang ngayon ganun at masahol pa minsan ang pagpaparinig, pagpaparamdam nila sakin na kinababahalaan nila ako baka kung may gawin ako, nararamdaman ko yun dahil isa kong emosyonal na bata dahil since birth hanggang 17 ay cleft palate ako lumaki akong may tumutukso sakin at lumaki akong hindi gaya ng iba na nagagawa lahat, at nun 17 ako inoperahan ako at kinlose ang cleft palate ko at gaya ng sabi ng doctora na nag opera sakin at hindi 100% na magiging normal ang boses ko na gaya ng iba kundi dinicrease lang ang pagiging hypernasality ng boses ko dati.. at mabalik sa problema ko simula nganon ng pag ka depress ko maraming nanamantala sakin meron sa kapatid at marami akong kinagalitan dahil sa walang gustong umalam o tumulong sa problema ko kungdi si kuya lang at nanay ko ang nakatulong sakin ng buong buo pero hanggang sa ngayon hindi parin palagay ang loob ko dahil sa mga bigay nagamit lang ng kuya ko ako nakapagpapalipas ng problema pero pag wala yon bumabalik ang mga pakita nila sakin at yun ang hindi ko kinapapalagayan ko pa ng loob dahil naka asa ako sa gamit o sa kuya ko o nanay, mahina o humina ako sa emotional ba yon mahina o humina ako sa pagpaparamdan o pagpapakita ng hindi maganda sakin, humina na hindi ko na kaya o hindi ko na alam kung pano pa makaka recover sa ganon mga sitwasyon, ilang beses ko nang gustong magpakamatay dahil wala na talga akong sulusyon sa problema ko dahil mismong pamilya mo pa ang nagpapahirap sayo, at mahina pako dahil sa kapansanan ko habang buhay, pero ang higit na nagpapahina sakin ay ang pagpapakita pagpaparamdam pagpaparinig nila sakin ng hindi maganda at nanaka baliw, gusto nila akong mawala sa katinuan, humingi nako ng tawad sa knila non pero hanggang ngayon ganon parin sila sakin, for 5 years ngayon na 22 nako, my tingin ako sa sarili ko na immature dahil sa psychong ginawa nila sakin, pero pilit akong lumalaban o kumakapit hanggang may makakapitan, pero sana magtagal ito o maayos ang mga gusto na ito bago pa talgang pursigido nakong patayin ang sarili ko, kasalan man ito sa dyos pero yun nalang kase ang nakikita kong sulusyon sa mga nararanasan ko o nararamdaman, ang tangi ko lang mahal at masaya ako ay ang kuya ko nanay at 3 pamangkin, sana may isang pilipino o hindi man pilipino na makakatulong sakin o makakapag advice kung pano masulusyunan ang ganito kong nararanasan at nararamdaman nahihirapan ako minsan pa 24 hours may kaba sa dibdib ko at pag aalala, marami pa akong gusto idagdag dito pero saka nalang samalat dito sa site nato dahil nakakatulong sila sa mga taong may problema maraming salat dito at itutuloy ko pa sa ibang araw ang mga saloobin ko sa mga kinahihrapan ng loob ko at pagkatao... maraming salamat.. (Im sorry for not english language or grammar I wrote, because Im not too good in english thank you to his site! I will continue my wrote soon thanks!

This thread has expired - why not start your own?

B-1